Sa ating paghatak sa landas ng buhay ay my daan tungo sa rurok ng tagumpay,kung saan kinakailangang harapin ang mga balakid bago ito tuluyang matunton.Daan na kung saan din masusukat hindi lamang ang katatagan ng loob kundi ng pananampalataya na siyang pinakamabisang sandigan upang malampasan ang bawat hamon ng ating hinaharap.
Tagumpay ang tanging dahilan kung bakit ang karamihan ay patuloy sumusuong at nakikibaka sa masalimuot na mundo dahil naniniwala sila na ang kanilang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ay may katumbas na gantimpala.Ito rin ang dahilan kung bakit mayroong mga patimpalak at puwersa ng kompetisyon kung saan ang mga kalahok ay sinusubok at ang tanging pinakamagaling ang magniningning at mangingibabaw.Mga literal na konsepto ng tagumpay na pinaniniwalaan ng karamihan na kung atin lamang imumulat ang ating mga mata'y madarama ang tunay na diwa ng
tagumpay.
Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang masusukat sa mga tropeto,titulo,o medalya na ating natatanggap dahil ang mga ito'y pawangmga bagay lamang na nagpapatingkad ng ating panaglan sa mata ng madla.Bagkus ang tunay na tagumpayay masusukat kung paanu ang lumbay ng ating kapawa ay mapawi at napalitan ng ngiti dahil sa ating pagbabahagi,kung paanu tayo ay nakatulong sa paglinang ng moralidad na iba,kung paanu naipamalas sa kabutithang panlahat at aghikain ng bansa,kung paanu tayo ay bumangon mula sa pagkakadapa at kinilala ang kahinaankaya naharap ang anumang hamon,at higit sa lahat ay kung paanu tayo nagpapahalaga at nagpapasalamat sa mga biyayang kung tutuosin ay ordinaryo lamang ngunit mahalaga sa paghubog ng ating pagkatao.Ang pamilyang sa ati'y umaagapay,mga kaibigang maasahang tunay,mundong ating ginagalawan,at higit sa lahat ay sa Diyos na siyang Dakila at Maylikha ng lahat
see me!: what does christmas mean to you?
13 years ago
0 comments:
Post a Comment